UST, St. John umiskor sa SBP National Under 16
Baguio City ,Philippines — Naglista ang University of Santo Tomas at St. John Institute ng mga panalo para sa magkatulad nilang 2-0 cards sa 2012 Samahang Basketbol ng Pilipinas National under 16 dito sa University of Baguio gym.
Tinalo ng Growling Tigers ang International School for Better Beginnings, 61-58, at binomba naman ng Bacolod-based na St. John ang St. Agnes, 95-45.
Bumangon naman ang University of Visayas mula sa kanilang 91-99 overtime loss sa St. John Institute makaraang igupo ang La Union College of Nursing and Arts, 84-71, upang makatabla ang San Fernando-based squad sa 1-1 cards kasama ang Holy Child School of Davao, St. Clare at ISBB.
Pinasadsad ng mga Holy Child, natalo sa kanilang unang laro kontra sa LUCNAS, 59-70, ang St. Clare, 73-58.
Nagkaroon pa ng tsansa ang ISBB na madala ang laro sa overtime.
Subalit naimintis naman ni Glenn Gilbert Ninobla ang isang three-point shot sa huling 17 segundo na nagpatakas sa UST, ginapi ang host University of Baguio, 73-67, kamakalawa.
“I didn’t expect to end the game that way because this was the first time we played against them. I’m happy we won,” sabi ni coach Dexter Dy.
Umiskor si Kirell Brandon Montalbo ng 20 points para sa nasabing tagumpay ng Growling Tigers kasunod ang 18 ni Eldrie Go 18 at 10 ni Juan Diego Montoya.
- Latest
- Trending