Perpetual Altas, Lady Altas winalis ang elimination round ng 87th NCAA men's at women's volleyball tournament

MANILA, Philippines - Namumuro ang Univer­sity of Perpetual Help Sys­tem Dalta sa asam na t­i­tulo sa men’s at women’s NCAA volleyball nang walisin ang elimination round ng 87th season kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Inilabas ng Altas ang por­mang naghatid sa ko­po­nan ng titulo sa 86th sea­son para pataubin ang ka­ribal na Arellano Chiefs sa apat na mahigpitang sets, 25-14, 22-25, 25-21, 25-19, patungo sa nangu­ngunang 9-0 karta sa men’s division.

Ang Lady Altas ay mas naging mabangis sa La­dy Chiefs nang iuwi ang 25-18, 25-20, 25-17 panalo para sa 9-0 sweep sa ka­babaihan.

 “Masaya kami sa a­ming naabot sa elimination round. Pero hindi pa ta­­pos ang laban dahil may se­mifinals pa at hindi dapat ka­mi magkumpiyansa,” wi­ka ni women’s coach Mike Ra­fael.

 “One step at a time lang ang dapat naming gawin. Ang mahalaga ay naaabot na­min ang aming target,” pa­hayag ng men’s coach Sammy Acaylar.

Tinapos naman ng Junior Altas ang kanilang laro sa 25-13, 25-23, 25-16, ta­gumpay sa Arellano para wa­kasan ang kampanya sa 6-1 karta.

Bukas magsisimula ang se­mifinals na isang round robin format at ang Lady Atlas ay mapapalaban sa Emilio Aguinaldo College, habang ang nagdedepensang San Sebastian ay ma­susukat sa Letran.

“So far so good,” ani Per­petual Help president at NCAA policy board chairman Anthony Tamayo.

Show comments