TNT dinalawahan ang Powerade

MANILA, Philippines - Sa kabila ng paglalaro ni No. 1 overall pick JVee Casio, hindi pa rin napigilan ng Powerade ang nagdedepensang Talk ‘N Text sa pagpoposte ng 2-0 abante sa kanilang championship series.

Tinalo ng Tropang Texters ang Tigers, 102-96, sa Game Two ng 2011-2012 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Nagbida sina 2011 PBA Most Valua­ble Player Jimmy Alapag, Ali Peek, Larry Fonacier at Ryan Reyes sa huling dalawang minuto ng final canto para sa 2-0 bentahe ng Talk ‘N Text sa kanilang best-of-seven championship showdown ng Powerade.

Ikinasa ng Tropang Texters ang isang 12-point lead, 92-80, sa ilalim ng huling walong minuto ng laro bago ang isang 13-2 atake nina Gary David, Romel Adducul at rookie Marcio Lassiter na nag­dikit sa Tigers sa 93-94 agwat sa hu­ling 2:53 nito.

Isang layup ni Fonacier mula sa isang broken play at three-point shot ni Alapag ang muling naglayo sa Talk ‘N Text sa 99-93 sa 1:19 nito. Ang basket ni Reyes mula sa kanyang sariling steal sa nalalabing 28 se­gundo ang nagbaon sa Powerade sa 101-93.     

Samantala, muling ipaparada ng Ba­­rangay Ginebra si Chris Ale­xander para sa 2012 PBA Commissio­ner’s Cup.

Kinuha ng Talk ‘N Text si 6’11 Omar Samhan. Ang iba pang koponan na may import na ay ang Powerade (Dwayne Jones), Petron Blaze (Nick Fazekas), B-Meg (Denzel Bowles), Alaska Milk (Matt Haryasz) at Meralco (Jelani McCoy).

Show comments