Pierce sinandigan ng Celtics
WASHINGTON — Hindi nakapaglaro para sa Boston Celtics ang isa nilang star guards at nawala pa ang isa sa second quarter.
Ngunit sa ipinakita ni Paul Pierce, hindi na ito napansin pa.
Umiskor si Pierce ng mga season highs na 34 points at 10 assists at pinantayan ang kanyang season best na 8 rebounds para pangunahan ang Celtics sa 100-94 panalo laban sa Washington Wizards.
“Paul carried us,” sabi ni Ray Allen, nagkaroon ng isang left ankle injury sa first half. “He played great for us. The team, everybody rallied behind him.”
Naglaro ang Boston na wala si point guard Rajon Rondo, naupo sa bench sa ikalawang sunod na pagkakataon bunga ng kanyang sprained right wrist, habang lumabas naman si Allen ng court matapos ang foul ni Jan Vesely sa 6 1/2 minuto pa sa second quarter.
Naglista naman si Pierce ng 10-for-15 fieldgoals at 12 -of-15 clip sa freethrow line.
Ang kanyang 3 steals ay isa ring season high.
“I’m one of our, if not our main scorer on this ballclub,” wika ni Pierce. “That’s my role. I haven’t been doing a good job of it lately, but a lot of that has to do with just being in game shape, getting my legs stronger, being able to get up and down and jump.”
Naglista si John Wall ng 27 points, 10 rebounds at 7 assists para sa Wizards.
Nagdagdag naman si Nick Young ng 19 points, habang may 13 si JaVale McGee.
Nang malusaw ang itinayong 15-point lead ng Celtics sa third quarter ay si Pierce ang kanilang sinandigan.
Naitabla ng Washington ang laro sa 75-75 sa 9:30 pa sa fourth qurater mula sa isang fast-break alley-oop dunk ni Trevor Booker buhat kay Wall.
Umiskor naman si Pierce ng 10 points ng Boston.
Matapos kunin ng Wizards ang 84-83 abante sa huling anim na minuto ng laro galing sa three-point play ni Young, isang jumper ni Pierce ang nag-angat sa Celtics.
Sa iba pang laro, binigo ng Milwaukee ang Miami, 91-82; pinayukod ng Indiana ang LA Lakers, 98-96; giniba ng LA Clippers ang Toronto, 103-91; at dinaig naman ng New Jersey ang Charlotte, 97-87.
- Latest
- Trending