^

PSN Palaro

PABA huhugot na rin ng mga Fil-Foreign players para mapalakas ang bubuuing national team

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Handang buksan ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) ang pintuan para sa mga Fil-Foreign baseball pla­yers upang mapalakas ang kopo­nang ilalaban sa World Baseball Classic qua­lifying round.

Kailangang tumibay ang koponang isasalang da­hil sa tindi ng makakala­ban sa kanilang group eli­mination.

Ang Thailand, New Zealand at Chinese Taipei ang kasama ng Pilipinas at ang mangunguna matapos ang double elimination format ang uusad sa tournament proper sa 2013.

“There is a need to rein­forced the team with Fil-Ams to make the team mo­re competitive and we need to start looking for them now,” wika ni Marty Eiz­mendi na tumulong sa pam­bansang koponan na nakalaro sa 26th SEA Ga­mes sa Indonesia at nanalo ng gintong medalya.

Sakaling makatuklas ng mahuhusay na Fil-Foreign pla­yers, naniniwala si Eizmen­di na makakatulong ito para makaakit din ng sponsors na siyang nangya­yari ngayon sa Azkals sa football.

Handa namang tumulong sa abot ng kanyang ma­kakaya ni Rick Dell ang US Major League Baseball De­velopment director for Asia sa paghahanap ng rein­forcements.

“There are a lot of Fil-Ame­ricans in Southern Ca­lifornia who are more than willing to play for the team for the World Baseball Clas­sic. Aside from getting pla­yers, you also need to spend time for scouting be­cause you don’t know the players whom the other teams are bringing in,” pa­ha­yag ni Dell na dumating sa bansa noong Huwebes.

Pinalawig ang mga ka­sali sa World Baseball Clas­sic nang isama ang 16 koponan dahil hindi na kasali ang baseball sa Olympics.

Ang 16 koponang ito ay hi­nati sa apat na grupo na mag­sasagawa ng group eli­minations at ang apat na ma­ngunguna ang aabante ka­sama ang 12 seeded teams sa tournament pro­per sa 2013.

 Nilagdaan ni PABA chief Hector Navasero ang kon­trata na ipinadala ng US Ma­jor League.

vuukle comment

ANG THAILAND

BASEBALL

CHINESE TAIPEI

FIL-FOREIGN

HECTOR NAVASERO

MAJOR LEAGUE BASEBALL DE

MARTY EIZ

NEW ZEALAND

SHY

WORLD BASEBALL CLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with