^

PSN Palaro

Bosh, James nagbida sa panalo ng Heat

-

MIAMI — Hinayaan ni­na Chris Bosh at LeBron Ja­mes na pagtuunan ni Dwyane Wade ang kanyang pagpapagaling.

Umiskor si Bosh ng 30 points, habang may 28 si Ja­mes para tulungan ang Miami Heat sa 113-92 panalo laban sa Philadelphia 76ers.

Nag-ambag si Mario Chal­mers ng 11 points pa­ra sa Miami, tinalo ang Ph­i­ladelphia sa rebounding, 52-31.

Nagkarga ang Heat ng 6-0 record ngayong season nang wala si Wade, ini­upo ang kanyang pangat­long laro bunga ng isang sprained right ankle.

At habang nagpapa­hi­nga si Wade, tinalo ng Heat ang tatlong division leaders na San Antonio, Los Angeles Lakers at 76ers.

“We looked at this as a huge week, a huge opportunity for us to get on a roll,” sabi ni James.

Tumipa si Lou Williams ng 22 points para sa Philadelphia kasunod ang 16 ni Evan Turner.

Ito ang pang walong ka­biguan ng 76ers sa kanilang siyam na pagtatagpo ng Heat simula noong nakaraang season.

Humugot si Bosh ng wa­lo sa unang 11 points ng Mia­mi sa final period, tampok rito ang isang 20-foot jum­per sa 9:04 para ibigay sa Heat ang 92-73 lamang.

Umiskor naman ang Phi­ladelphia ng walong sunod na puntos, kasama rito ang isang 3-pointer ni Jrue Ho­liday, sa 6:43 para sa ka­nilang 11-point deficit.

Isang driving dunk ni Bosh sa huling 4:44 ang tu­luyan nang sumelyo sa pa­nalo ng Miami.

Si Andre Iguodala ay may season-low 4 points pa­ra sa 76ers.

Sa iba pang alro, tinalo ng Atlanta ang Cleveland, 121-94; binigo ng Denver ang New York, 119-114; pinayukod ng Detroit ang Portland, 94-91; dinaig ng Dallas ang New Orleans, 83-81; ipinagpag ng Memphis ang Sacramento, 128-95; pinahiya ng Chicago ang Charlotte, 95-89; giniba ng Houston ang San Antonio, 105-102; iginupo ng Oklaho­ma City ang New Jersey, 84-74; at isinalya ng Utah ang Minnesota, 108-98. 

vuukle comment

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

EVAN TURNER

JRUE HO

LOS ANGELES LAKERS

LOU WILLIAMS

MARIO CHAL

MIAMI HEAT

SAN ANTONIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with