Sharapova dumiretso sa 3rd round ng Australian Open
MELBOURNE, Australia--Magaang na tinalo ni Maria Sharapova si Angelique Kerber ng Germany, 6-1, 6-2, sa third round ng Australian Open sa kabila ng limitadong preparasyon para sa torneo.
Ang fourth-seeded na si Sharapova, may inindang left ankle injury bago ang Australian Open, ay makakalaban sa quarterfinals ang sinuman kina dating U.S. Open champion Svetlana Kuznetsova o Sabine Lisicki.
Hindi inintindi ni Sharapova ang kawalan niya ng ensayo bago ang torneo.
“I think you just have to take it as, OK, you go into an event, whether it’s a Grand Slam or anywhere else in the world, if you’re committed to playing that tournament, you have to be ready from the first match,” ani Sharapova.
Maaari ring makalaban ni Sharapova si five-time champion Serena Williams, habang si Petra Kvitova, tumalo kay Sharapova para sa Wimbledon title noong nakaraang taon, ay inaasahang papasok sa semifinals.
Kumpiyansa naman ni Kim Clijsters, ang nagdedepensang Australian Open champion, na aabante rin siya sa semis.
- Latest
- Trending