^

PSN Palaro

Azkals 'di makumpleto sa training dahil sa schedule

-

Sa ikalawang sunod na charity game ay muling natalo ang Philippine Azkals.

Nabigo ang Azkals sa bisitang Icheon Citizen FC, 4-2, sa penalty shootout sa ka­nilang charity match ka­gabi sa Rizal Memorial Foot­ball Stadium.

Naitabla ni Fil-Italian Mar­­win Angeles ang Az­kals sa 1-1 mula sa kan­yang goal sa pang 89 mi­nuto sa second half bago nauwi sa penalty shootout ang laban.

Nauna nang yumukod ang Azkals sa Spa­nish team sa isang charity game kamakailan.

Samantala, nabalam ang dapat sa­na ay maagang paghahan­da ng Philippine Azkals para sa 2012 AFC Challenge Cup na nakatakda sa Marso sa Nepal.

Ito ay dahilan sa kabi­guan ni German head coach Michael Weiss na makumpleto ang Azkals.

“The guys are in good spirits but the group is not complete,” sabi ni Weiss, natapos ang isang ‘twice-a-day sessions’ ng Azkals noong Martes.

Nakabangga ng mga miyembro ng Azkals ang iskedyul ng United Football League at naaayos lamang ito noong nakaraang linggo matapos ang pulong ng Philippine Football Federation/Azkals management at league officials.

Sa ilalim ng kanilang ka­sunduan, papayagan ng mga UFL clubs ang mga Azkals players na ma­kapag-ensayo sa national squad sa loob ng tatlong araw at dalawang araw na­man sa kanilang mga mother clubs.

Pakakawalan ng mga UFL teams ang mga mi­yem­bro ng Azkals para sa kanilang training camp sa Dubai at Qatar sa Pebrero 5-17.  

AZKALS

CHALLENGE CUP

FIL-ITALIAN MAR

ICHEON CITIZEN

MICHAEL WEISS

PHILIPPINE AZKALS

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

RIZAL MEMORIAL FOOT

SHY

UNITED FOOTBALL LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with