SBP Under-16 tourney di-dribol ngayon sa Baguio
BAGUIO CITY, Philippines --Kabuuang 12 eskuwelahan sa boys division at lima sa girls class ang makikita sa aksyon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas Under-16 National Championships dito sa University of Baguio gym.
Itatampok sa torneo ang mga high school champions mula sa lahat ng rehiyon sa bansa na siyang ‘centerpiece development program’ ni SBP president at telecommunications tycoon Manny V. Pangilinan at inihahandog ng Summit Mineral Water, Philex Mining, Smart Communications, Energen Milk and Cereal Drink at MVP Sports Foundation.
Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios na ang national 3-on-3 tournament ay susundan ng National Under-18 Championship, dating kilala bilang Inter-Collegiate tourney, kasabay ng Philippine National Games sa Iloilo City.
Sa boys category, makakalaban ng Holy Child ang La Union College of Nursing & Arts Sciences (Reg. I) sa alas-9 ng umaga; lalabanan ng Claret School of Zamboanga (MBR-C) ang International School for Better Beginnings (Quezon) sa alas-10 ng hapon; makakatapat ng St. Agnes Academy (Albay/Bicol) ang St. Clare College-Caloocan (NCR) sa ala-1 ng hapon sa EC gym; makakatipan ng Sacred Heart of Jesus Montessori (CDO/MBR) ang St. Bridget College (Batangas/LLBR) sa alas-2:30 sa EC gym; makakalaban ng University of Baguio (CAR) ang University of Santo Tomas (NCR) sa alas-4; at masusubukan ng St. John Institute (Bacolod) ang University of Visayas (Cebu) sa alas-5:30.
Ang 12 teams sa men’s side ay hahatiin sa dalawang grupo kung saan ang top two sa bawat dibisyon ay aabante sa crossover semis.
Ang top two squads matapos ang semis ang mag-aagawan sa titulo sa isang winner-take-all match sa Enero 28.
- Latest
- Trending