Azkals United susubukan ang Icheon Citizen sa charity game

MANILA, Philippines - Makakatapat ng Azkals United ang bisitang Icheon Citizen FC club, ang reigning champions ng third division sa South Korean football league system, sa KIA Rio Cup charity match ngayong gabi sa Rizal Memorial Football Stadium.

Hind makakalaro dahil sa obligasyon sa kanilang mga club teams sina Loyola Meralco’s Phil at James Younghusband at Anton del Rosario ng Kaya at maging sina Jason Sabio, Lexton Moy at Nate Burkey.

Nakatakda ang laro ngayong alas-6 ng gabi.

“We have a good crop of players, nevertheless, and I’m very positive we can do something tomorrow (tonight),” sabi ni Azkals coach Michael Weiss sa kanilang pre-match press conference.

Sina Chieffy Caligdong, Ian Araneta, Angel Guirado at Misagh Bahadoran ang ibabandera ng Azkals United katuwang si Fil-German striker Denis Wolf.

Ang Icheon Citizen ay pamumunuan ni skipper Joo Won Moon, ang 2011 Korea K3 MVP at Top League scorer, at sina star players Ji Hoon Yang, isang mainstay of the Korea National College Team, at Jae Young Jin, isang Korean National Team player.

Show comments