Ateneo 3-0 na sa UAAP baseball

MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang pangatlong sunod na panalo ang Ateneo sa baseball competition ng UAAP Season 74 matapos daigin ang dating kampeong University of the Philippines, 14-3, sa five innings kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex.

Nagposte ang Blue Eagles ng anim na runs sa first inning patungo sa kanilang tagumpay.

Sa iba pang baseball games, tinalo ng De La Salle ang National University, 10-4, at pinadapa ng reigning champion University of Santo Tomas ang Adamson, 12-7, para sa kanilang 2-1 baraha.

Sa women’s football sa Ateneo field, isinalpak ni Jowe-ann Barruga ang isang goal sa 64th minute para igiya ang UST sa 1-0 pagtakas sa De La Salle.

Pinayukod naman ng defending champion Far Eas­tern University ang Ateneo via scoreless draw.

Show comments