^

PSN Palaro

1-0 lead pag-aagawan ng TnT at Powerade

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines -  Si Chot Reyes ang hu­ling coach na gumiya sa Coca-Cola, ngayon ay Po­werade, sa kampeonato no­ong 2003 PBA Reinforced Conference bago lu­mipat sa San Miguel at Talk ‘N Text.

Kaya naman malapit sa kanyang puso ang mga Ti­gers.

“That team has a special place in my heart.,” sabi ni Reyes sa Powerade, tumalo sa Rain or Shine, 4-3, sa kanilang best-of-seven semifinals series. “A lot said it’s gonna be easy for Rain or Shine, but look what happened. We’re in the finals and can’t be happy. We have to be ready for Powerade.”

Magtatagpo ang nagdedepensang Talk ‘N Text at Powerade ngayong alas-6:30 ng gabi sa Game One ng 2011-2012 PBA Philippine Cup Finals sa Sports, Cultural & Business Center of Davao del Sur sa Digos City.

Kagaya ng Tigers, wi­na­kasan rin ng Tropang Tex­ters ang kanilang semi­fi­nals showdown ng Petron Blaze Boosters sa 4-3 matapos bumangon mula sa isang 1-3 pagkakabaon.

Ang Talk ‘N Text ang ikatlong koponan na naka­bawi mula sa isang 1-3 pag­kakaiwan para kunin ang serye matapos ang Ba­rangay Ginebra at Purefoods.

Binigo ng Gin Kings ang Shell Turbo Chargers, 4-3, sa finals ng 1991 Fiesta Con­ference at tinakasan ng TJ Hotdogs ang Aces, 4-3, sa semifinals ng 2006 Philippine Cup.

Nasa isang ‘magical run’ ngayon ang Powerade ni Bo Perasol makaraang si­bakin ang No. 1 B-Meg, nag­bitbit ng ‘twice-to-beat’ ad­vantage sa quarterfinals, at Rain or Shine sa se­mifinals.

“Key for us was getting those people who can win for us,” sabi ni Perasol sa kanyang Tigers. “We don’t have a magical system. We have players who are winners in their heart.”

Sina Gary David, No. 1 overall pick JVee Casio at rookie Marcio Lassiter ang muling aasahan ng Po­werade.

ANG TALK

BO PERASOL

BUSINESS CENTER OF DAVAO

DIGOS CITY

FIESTA CON

GAME ONE

GIN KINGS

N TEXT

POWERADE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with