^

PSN Palaro

Tigers vs Texters sa finals

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Ang Tropang Texters la­ban sa Tigers para sa 2011-2012 PBA Philippine Cup Finals.

Ito ay matapos talunin ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang Petron Blaze, 92-91, at igupo ng Po­werade ang Rain or Shine, 107-98, sa Game Seven ng kanilang mga semifinals series kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Parehong winakasan ng Tropang Texters at Tigers ang kanilang mga best-of-seven semifinals showdown ng Boosters at Elasto Painters, ayon sa pagkakasunod, sa 4-3 patungo sa kanilang best-of-seven titular series na magsisimula bukas sa Digos, Davao del Sur.

“Sobrang lakas ng kumpiyansa nila, kaya kailangan talagang maganda ‘yung depensa namin,” sabi ni Jayson Castro, umiskor ng 21 points sa Texters.

Ang Tropang Texters ang naging ikatlong kopo­nan na nakabangon mula sa isang 1-3 pagkakabaon upang angkinin ang serye matapos ang Barangay Ginebra at Purefoods.

Tinalo ng Gin Kings ang Shell Turbo Chargers, 4-3, sa finals ng 1991 Fiesta Conference at nilusutan ng TJ Hotdogs ang Aces, 4-3, sa semifinals ng 2006 Philippine Cup.

 Mula sa 73-81 pagkakaiwan sa third period, kinuha ng Boosters ang 85-83 abante sa 6:31 ng fourth quarter mula sa isang 12-2 atake nina Alex Cabagnot, Arwind Santos, Danny Ildefonso at rookie Fil-Am Chris Lutz.

 Isang 9-2 ratsada naman ang iginanti ng Talk ‘N Text sa likod nina Castro, Ali Peek at Ranidel De Ocampo upang muling sik­watin ang unahan sa 92-87 sa 4:04 nito kasunod ang apat na freethrows ni Lutz na muling nagdikit sa Petron sa 91-92 agwat sa huling 48.9 segundo.

Bagamat nabigo sa Game Six, nanatili naman ang determinasyon ng Tigers patungo sa kanilang unang finals appearance matapos ang walong taon.

Itinala ng Po­werade ang 50-33 abante kontra sa Rain or Shine sa 1:31 ng second period mula sa tres ni Casio at hindi na binitiwan pa ang lamang.

Powerade 107—Casio 25, David 24, Lassiter 17, Kramer 12, Cruz 10, Antonio 10, Anthony 5, Adducul 4.

Rain or Shine 98 – Quiñahan 16, Lee 14, Chan 14, Norwood 13, Buenafe 12, Matias 10, Belga 10, Cruz 6, Rodriguez 2, Arana 1.

Quarterscores: 22-18; 52-39; 84-65; 107-98. 

Talk N Text 92--Castro 21, De Ocampo 19, Alapag 14, Peek 13, Aguilar 6, Williams 6, Fonacier 5, Reyes 3, Dillinger 2, Carey 2, Alvarez 1.

Petron 91-- Luts 23, Ildefonso 16, Yeo 14, Santos 12, Miranda 11, Cabagnot 8, Reyes 7, Baclao 0, Tugade 0.

Quarterscores: 19-28; 51-57; 81-73; 92-91.

ALEX CABAGNOT

ALI PEEK

ANG TROPANG TEXTERS

ARWIND SANTOS

BARANGAY GINEBRA

CASIO

CRUZ

CUNETA ASTRODOME

DANNY ILDEFONSO

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with