Mariners vs Sea Lions para sa NCRAA cage crown

MANILA, Philippines - Sumakay ang Philippine Merchant Marine School sa mainit na pagla­laro sa huling bahagi ng labanan upang igupo ang La Salle-Dasmariñas, 80-70 at angkinin ang ikalawang tiket sa finals ng 19th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball tournament kahapon sa Olivarez College gymnasium sa Sucat, Parañaque.

Sumandig ang Mariners, na nanalo rin sa Patriots, 84-65 sa Game 1, sa kanilang inside plays sa huling segundo ng laro upang tuluyan ng sibakin ang Patriots at walisin ang kanilang best-of-three semifinals sa cagefest na ito.

Ang panalo ay nagpormalisa ng kanilang pakikipaglaban sa Olivarez College Sea Lions para sa best-of-three title series na magsisimula sa Martes.

Show comments