^

PSN Palaro

NBA tutulong sa mga biktima ni 'Sendong'

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Tutulong ang NBA ga­mit ng kanilang NBA Cares program sa mga biktima ng bagyo sa Pampanga at Cagayan De Oro City.

Magbibigay ng kanilang mga donasyon ang NBA sa mga nasalanta sa da­la­wang probinsyang ito ka­pag binisita ang Pampa­nga at Cagayan De Oro sa gagawing 2012 Jr. NBA Camp.

Ito ang unang pagkakataon na maisasama ang dalawang lugar sa iikutin ng Jr. NBA na isinagawa sa bansa mula pa noong 2007.

“The NBA will be dona­ting some products as well as our sponsors Alaska and Gatorade to help the victims get back to their own lives,” wika ni NBA country manager Carlo Singson.

Ang Alaska ang tutulong uli sa ikalawang sunod na taon, habang si NBA veteran Martin Conlon, Jr. ang siyang itinalaga bilang bagong camp director.

“We believe the program will create opportunities for the youth to develop active lifestyle through basketball as well as to promote the values of sportsmanship, teamwork, positive attitude and respect which will make them a better person,” wika ni Alaska Milk Corporation President at CEO Wilfred Uytengsu.

ALASKA AND GATORADE

ALASKA MILK CORPORATION PRESIDENT

ANG ALASKA

CAGAYAN DE ORO

CAGAYAN DE ORO CITY

CARLO SINGSON

MARTIN CONLON

NBA

WILFRED UYTENGSU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with