MANILA, Philippines - Ang billiard event producer na Dragon Promotions ang magpapalabas ng laro ng Philippines Azkals kontra sa Korea katuwang ang TV giant ABS-CBN.
Ang football match ay nakatakda sa Enero 21 sa Rizal Memorial Stadium.
Ito ay magsisilbing charity game para sa mga biktima ng bagyong ‘Sendong’.
Ang Dragon Promotions ay naging kapareha rin ng ABS-CBN sa mga major billiard events kagaya ng Yalin Women’s World 10-Ball Championship at ng Predator International 10-Ball Championship.