^

PSN Palaro

Takbo para sa Edu-Misyon lalarga ngayon

-

MANILA, Philippines - Humigit-kumulang sa 5,000 runners, kasama ang mga dati at kasalukuyang basketball stars ng host San Sebastian College-Recoletos, ang lalahok ngayong umaga sa 2nd Stags Run 2012 na tinaguriang "Takbo para sa Edu-Misyon" sa ASEANA City sa harap ng Department of Foreign Affairs building.

Sina Paul Alvarez at coach Topex Robinsons at mga players niyang sina Calvin Abueva, Ian Sanga­langang at Anthony del Rio ng Champions League titlist San Sebastian Stags ang mangunguna sa one-day race na maglalaan ng pondo para sa charitable missions sa Palawan at West Africa.

Kinumpirma naman ni Pa­say City Mayor Antonio Calixto ang kanyang pagdalo sa naturang event na kasabay ng 65th founding anniversary celebration ng San Sebastian.

Ang event ay hinati sa 3k, 5k at 10k at magsisimu­la sa alas-6 ng umaga. 

Ang entrance fee ay nag­­kakahalaga ng P500 ka­sama na rito ang singlet, race. no. at libreng almusal.

Ang top three sa men's at women's 10k event ay tatanggap ng P6,000, P4,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod, habang sa 5k at 3k ay tatanggap ng P5,000, P3,000 at P2,000 at P3,000, P2,000 at P1,000.

CALVIN ABUEVA

CHAMPIONS LEAGUE

CITY MAYOR ANTONIO CALIXTO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

IAN SANGA

SAN SEBASTIAN

SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS

SAN SEBASTIAN STAGS

SINA PAUL ALVAREZ

STAGS RUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with