^

PSN Palaro

PSC nag-alok ng P30m para sa 6 Olympians

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bagamat nagrereklamo sa kakapusan ng kanilang pondo, nag-alok ang Philippine Sports Commission (PSC) ng P30 milyon sa Philippine Olympic Committee (POC) para sa pon­do ng anim na national athle­tes na sasabak sa 20­12 Olympics Games sa London.

Ngunit hindi ito tinanggap ni Manny T. Lopez, ang vice-president ng POC at Chef De Mission ng de­legasyon na magtutungo sa London Games na naka­takda sa Hulyo 27 hanggang Agosto 12.

“I think that’s more than enough,” wika kahapon ni Lopez. “Ako, being a former president of the amateur boxing association, ako po ay naniniwala na tala­gang the government sports agency alone will have a hard time.”

Ang P30 milyon na ini­alok ng PSC sa POC ay kasing halaga ng pondong inilaan para sa halos 600 delegasyong inilahok sa nakaraang 26th Southeast Asian Games sa Indonesia kung saan tumapos ang bansa bilang sixth placer.

Nilinaw ni Lopez na may matatanggap silang pondo mula sa London Olympic Games Organi­zing Committee (LOGOC) na siya nilang ipanggagas­tos sa anim na atleta sa 2012 Games.

 Sakaling anim lamang na atleta ang maipadala sa London Games, ito na ang magiging pinakamaliit na delegasyon ng bansa matapos ang 12 noong 1996 sa Atlanta, USA kung saan sumuntok ng silver medal si light flyweight Mansueto ‘Onyok’ Velasco, Jr.

Samantala, hanggang ngayon ay tanging si amateur boxer Mark Anthony Barriga pa lamang ang may formal notification mu­la sa AIBA, ang interna­tional boxing federation, para makalaro sa 2012 Olympic Games sa London sa Hulyo.

CHEF DE MISSION

GAMES

HULYO

LONDON GAMES

LONDON OLYMPIC GAMES ORGANI

LOPEZ

MANNY T

MARK ANTHONY BARRIGA

OLYMPIC GAMES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with