Patrombon makakaharap agad si Jankovits sa Israel F1 Futures

MANILA, Philippines - Sisimulan ni Jeson Patrombon ang kampanya sa men’s tennis circuit sa taong ito sa pagharap kay Yannick Jankovits ng France sa Israel F1 Futures sa Eilat, Israel.

Tangan ang kanyang 939 ranking sa singles sa men’s circuit, si Patrombon ay agad na nakapasok sa main draw upang magkaroon ng sapat na panahon pa­ra maikondisyon ang sarili sa unang pagkikita nila ni Jan­kovits na nasa 621 sa ranking.

Bibitbitin ni Patrombon ang karanasang nakuha no­ong nakaraang taon sa paglalaro sa mga Futures sa In­donesia, India, US, Mexico at Thailand sa hangaring mag­karoon ng disenteng paglalaro sa nasabing torneo.

Si Marc Reyes ay naa torneo ngunit hindi ito pinalad na makalusot sa qualifying round sa singles nang lasapin ang 5-7, 6-3, 6-4 pagkatalo kay Francisco Ramos ng Portugal sa second round.

Show comments