^

PSN Palaro

Thunder nagposte ng 3-of-3 sa kanilang mga laro

-

OKLAHOMA CITY — Tinanghal ang Oklahoma City Thunder na unang koponan na nanalo ng tat­long dikit sa tatlong su­nod na gabi.

Tumipa si Kevin Durant ng 21 points at 10 re­bounds, habang may 20 markers si reserve James Harden para ihatid ang Thunder sa 108-96 panalo laban sa San Antonio Spurs.

“I just think the big thing was not to dwell on it and not make too much out of it. It’s not sometimes as bad as people think,” ani Nick Collison, humakot ng 12 points at 10 rebounds para sa Thunder.

Ipinahinga ng Thunder ang kanilang mga starters throughout sa fourth quarter matapos magtayo ng isang 22-point cushion sa third period laban sa Spurs.

Hindi naglaro para sa San Antonio sina Manu Ginobili (broken left hand) at point guard Tony Parker na nilisan ang laro sa third quarter.

Hindi na rin nakabalik sa laro si DeJuan Blair matapos ang cramps niya sa halftime.

Nagtungo si Parker sa kanilang lock room sa um­pisa ng isang 25-8 run ng Ok­lahoma City.

Isang driving layup ni Russell Westbrook, three-point play ni Serge Ibaka at three-point shot ni rookie Reggie Jackson sa huling 7 segundo ng third quarter ang nagbigay sa Thunder ng 91-67 lamang kontra sa Spurs.

Sa iba pang laro, binigo ng Orlando ang Sacramento, 104-97; ginitla ng Los Angeles Lakers ang Memphis, 90-82; tinalo ng Minnesota ang Washington, 93-72; pinayukod ng Phoenix ang Milwaukee, 109-93; at dinaig ng Portland ang Cleveland, 98-78.

JAMES HARDEN

KEVIN DURANT

LOS ANGELES LAKERS

MANU GINOBILI

NICK COLLISON

OKLAHOMA CITY THUNDER

REGGIE JACKSON

RUSSELL WESTBROOK

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with