^

PSN Palaro

3-1 lead asam ng Powerade

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos isuko ang Ga­me One, dalawang sunod na panalo ang kinuha ng Po­werade para iwanan ang Rain or Shine, 2-1, sa ka­nilang best-of-seven semifinals series.

Ayon kay coach Bo Pe­rasol, kailangan nila muling ipakita ang pagiging agresibo sa laro sa mahalagang Game Four ngayong alas-6:45 ng gabi para sa 2011-2012 PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

"We should be wanting the game more, and again it should be related to what we do as a team, not go one-on-one, just flow in our offense," ani Perasol. "We should make sure we cannot commit turnovers."

Si Gary David, nagposte ng average na 31.0 points per game sa semifinals se­ries at umiskor ng kanyang pang-limang sunod na 30-point game sa playoffs, ang muling aasahan ni Perasol at ng Powerade ka­sama sina No. 1 overall pick JVee Cruz, Doug Kramer, rookie Fil-Am Marcio Lassi­ter, Celino Cruz at Sean An­thony.

Sinikwat ng Elasto Pain­ters ang Game One, 114-97, bago ibulsa ng Tigers ang Game Two, 121-113, at Game Three via overtime, 104-99.

Sa kabila ng pagkakaiwan sa serye, kumpiyansa pa rin si mentor Yeng Guiao na makakatabla ang kanyang Rain or Shine.

“It’s a series. It’s just 2-1. We’ll be back Tuesday and we’ll prepare harder,” wika ni Guiao. “Knowing we missed our 3-point shots, we ‘ll just go back to the gym and work on our perimeter shooting.”

Naging problema rin ng Elasto Painters ang kanilang mga turnovers kung saan sila may average na 23 turn­overs sa sa Games Two at Game Three.

“Powerade worked har­der than we did on defense We have to give credit to the fact that some of those turnovers were because they put a lot of pressure on our guards,” ani Guiao.

Samantala, pinagmulta ni PBA Commissioner Chito Salud si Guiao ng P80,000.

Ang P50,000 ay mula sa technical foul ni Guiao sa third quarter sa Game Two da­hil sa paggamit niya ng ‘pro­fane language’.

Pang-siyam na technical na ito ni Guiao sa kasalukuyang conference.

Tumataas ang halaga ng multa ng bawat player o coach na sa conference at dumodoble pa habang ito ay dumadami.

Ang P30,000 ay para sa kanyang mga inilabas na pahayag sa media tungkol sa palpak na officiating sa Game Two noong Biyernes.

“Color and emotion ma­ke for more exciting games but players and coaches must not cross the lines and principles of sportsmanlike behavior because these are values which the PBA upholds at all times,” sabi ni Salud.

BO PE

CELINO CRUZ

COMMISSIONER CHITO SALUD

DOUG KRAMER

ELASTO PAIN

GAME

GAME THREE

GAME TWO

GUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with