Freego Jeans puntirya ang 'twice-to-beat' advantage

MANILA, Philippines - Sa paglabo ng tsansang makuha ang awtomatikong semis berth, pupuntiryahin ng Freego Jeans ang ikala­wang pinakamagandang opsyon sa pagbangga sa RnW Pacific Pipes sa PBA D-League Aspirants’ Cup nga­yon sa Cuneta Astro­dome sa Pasay City.

May 6-3 karta ang Jeans Ma­kers at ang makukuhang panalo sa larong itinakda sa alas-2 ng hapon ay magtitiyak sa tropa ni coach Leo Austria ng ‘twice-to-beat’ ad­vantage sa quarterfinals.

Kailangan rin ng Freego Jeans na manalangin na ma­talo sa huling dalawang la­ro ang nagdedepensang NLEX para magkaroon ng play­off.

Nanggaling sa talo ang RnW (4-4) ni coach Topex Ro­binson. At dahil dito ay kai­langan nilang maipa­na­lo ang nalalabing dalawang laro para makaiwas na ma­si­bak.

Paiinitin ng Black­water ang malamig na kampanya sa pagharap sa talsik nang Cobra Energy Drink sa alas-12 ng tanghali.

Matapos ang tatlong dikit na panalo ay bumagsak ang Elite (3-4) ni coach Leo Isaac sa sumunod na apat nilang laban.

Show comments