^

PSN Palaro

Azkals alyansa giba sa CFI de Madrid

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Ipinamalas ng CF Inter­nacional de Madrid ang kalidad ng Spanish football nang kunin ang 3-1 panalo laban sa Azkals Alyansa sa idinaos na charity game na ‘Dili kamo nag-iisa’ kahapon sa Rizal Memorial Football Stadium.

Nakitaan ng magandang pasahan, teamwork at tamang spacing para wasakin ang depensa ng home team ng bisitang ko­ponan at sa unang 90 minuto ng tunggalian ay dinomina agad ang laro nang hawakan ang 2-0 kalamangan.

Ang nangungunang scorer ng Internacional de Madrid sa nilalahukang third division league sa kanilang bansa na si Rufi­no Familiar Sanchez ang bumandera nang hiyain ang depensang inilatag ni Azkals Alyansa goal keeper Eduard Sacapano sa kanyang free kick sa 15th minuto.

Lumawig sa 2-0 ang iskor nang maka-goal si Daniel Garcia Fernandez sa 32nd minute.

Matapos ang first half ay kontroladong-kontrola­do ng bisitang koponan ang laban dahil nagkaroon sila ng limang shots na kal­a­mangan sa local team, 9-4, sa goals attempt.

Isang counter-attack ang nagresulta sa ikatlong goal ng Madrid na ibinigay ni Ignacio Buenache Feijoo sa 46th minuto upang mamuro ang bisitang koponan na makahirit ng shutout na panalo.

Pero hindi hinayaan ni Chieffy Caligdong na mangyari ang bagay na ito dahil ang kanyang magandang lob pass na nauwi sa header ni James Younghusband ang naging goal ng Pilipinas sa 62nd minute.

Mas maganda ang ini­laro ng home team sa second half dala marahil ng katotohanang nakuha nila ang tamang timpla lalo pa’t pinagsamang manlalaro ng Azkals at mula sa Uni­ted Football League (UFL) ang bumuo sa koponan.

“It’s a pleasure to come and play the game. But making this special is the fact that we are doing this to help people in need,” wika ni Stephen Newman na chairman at president ng bumisitang koponan.

Pinuri niya ang init ng suporta ng mga manonood na isa sa mga makakatulong upang tuluyang uma­ngat ang interes sa Philippine football.

Maliban sa pagpayag na isagawa ang charity game sa pagtutulungan ng Philippine Football Federation ay nagbigay din ng tulong pinansyal si Newman na nagkakahalaga ng 10,000 Euros.

Ang larong ito ang una sa dalawang charity game na gagawin ng Philippine football dahil sa Enero 21 ay darating naman ang second division team ng Korea para sa isa pang laro para sa biktima ng bagyong sumalanta sa mga taga-Mindanao.

AZKALS ALYANSA

CHIEFFY CALIGDONG

DANIEL GARCIA FERNANDEZ

EDUARD SACAPANO

FAMILIAR SANCHEZ

FOOTBALL LEAGUE

IGNACIO BUENACHE FEIJOO

JAMES YOUNGHUSBAND

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with