^

PSN Palaro

Elasto Painters, Tigers mag-uunahan sa 1-0 lead sa kanilang semis series

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Alam ni Rain or Shine coach Yeng Guiao ang ka­kayahan ng Powerade ni mentor Bo Perasol.

Bilang No. 8 matapos ang elimination round, da­lawang beses tinalo ng Ti­gers ang No. 1 B-Meg Llamados, nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage, sa quarterfinals upang ma­­katagpo ang Elasto Pain­­ters sa best-of-seven se­­mifinals series.

 “Iba ang Powerade nu’ng elimiantion at nga­yong playoffs,” wika ni Guiao. “Mas mabigat sila nga­yon. They beat the num­ber one team (B-Meg). Ka­ya mabigat.”

Magtatagpo ang Rain or Shine at ang Powerade ngayong alas-6:45 ng gabi para sa Game One ng kanilang semifinals showdown sa 201q1-2012 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nasa kanilang unang semifinals appearance sa Philippine Cup ang Elasto Painters sapul nang lu­mahok sa PBA noong 2006-07.

Ito naman ang unang se­mis stint ng Tigers mula pa noong 2004 Fiesta Conference.

Tinalo na ng Rain or Shi­ne ang Powerade, 96-93, sa kanilang unang pag­kikita sa eliminasyon no­ong Oktubre 9 sa Yñares Center sa Antipolo City.

Sinabi ni Guiao na hahayaan na lamang nilang umiskor ng malaki si Gary David hanggang sa mapagod ito kasabay ng pag­limita sa iba pang Tigers.

“Ang hirap pagplanuhan ng depensa ang Po­werade. Kaya hahayaan na lang namin si Gary David,” wika ni Guiao. “Kaya sa ibang aspeto kami mag­po-focus.”

Si David ay nagtala ng average na 22.5 points per game sa torneo at nag­poste ng mataas na 34.5 points per game sa kanilang quarterfinal ga­mes ng B-Meg.

Naglaro si David para kay Guiao para sa Burger King sa nakaraang best-of-seven semis series ng 2009 Fiesta Conference laban sa San Miguel Beer.

“Ready na kami sa mga plano naming opensa at depensa para sa Rain or Shine,” ani David.

ANTIPOLO CITY

B-MEG

B-MEG LLAMADOS

BILANG NO

FIESTA CONFERENCE

GARY DAVID

GUIAO

PHILIPPINE CUP

POWERADE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with