^

PSN Palaro

Valmayor ibabandera ng UP sa pagbangga sa Ateneo

-

MANILA, Philippines - Ipapakita ng University of the Philippines (UP) ang kanilang kakayahan na ma­­idepensa ang hawak na men’s football title sa pagbubukas ng Season 74 sa Enero 15 sa Ateneo football field.

Sasalang agad ang Ma­roons sa pag­bangga sa host Ateneo sa ikatlo at huling laro dakong alas-3:15 ng hapon at nais ng ko­ponan may 15 football ti­tles na buksan ang kampanya sa pamamagitan ng panalo.

Dominadong-domina­do ng UP ang nagdaang season nang hindi sila nakatikim ng kabiguan sa kabuuan ng torneo at ang dungis ay ang tablang laro laban sa La Salle na nangyari sa pagtatapos ng first round. Kinalaban nila sa Finals ang UST at tinalo sa 2-1 iskor tungo sa kampeonato.

Ibabandera ang Maroons ni Jinggy Valma­yor, ang striker na siyang hinirang bilang Rookie of the Year at napabilang sa Junior Azkals (U-23) na naglaro sa 26th South East Asian Games sa Indo­nesia.

Ang iba pang tunggalian ay sa pagitan ng La Salle at UE sa ganap na alas-10 ng umaga at UST kontra FEU dakong ala-1 ng hapon.

Ang women’s champion na FEU ay bye sa opening round at maglalaro lamang sa Enero 19 laban sa Lady Eagles na itinakda sa ala-1:15 ng hapon.

Tulad ng UP ay palaban pa ang Lady Tamaraws dahil nasa koponan pa si Frea Fado na Most Va­luable Player (MVP) ng Sea­son 73.

Ang UST na natalo sa FEU sa finals noong nakaraang season,1-0, ay makikilatis ang lakas laban sa UP na mapapanood matapos ang tagisan ng La Salle at Ateneo sa ganap na ala-1 ng hapon.

Bubuksan naman ng FEU Baby Tamaraws ang kanilang pagdepensa sa titulo sa juniors laban sa UST Tiger Cubs sa ganap ala-8 ng umaga at susundan ito ng pagkikita ng Ateneo at La Salle-Zobel.

ATENEO

BABY TAMARAWS

ENERO

FREA FADO

JINGGY VALMA

JUNIOR AZKALS

LA SALLE

LA SALLE-ZOBEL

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with