^

PSN Palaro

Phl Baseball at Softball teams kampeon sa SEAG

-

MANILA, Philippines - Hindi hadlang para sa ba­seball team ang mga pag­subok na dinaanan, ha­bang pinatunayan pa rin ng men’s at women’s softball team na sila ang hari at reyna kung Southeast Asian Games ang pag-uusapan.

Inalisan ng allowances at muntik nang hindi naka­sama sa pambansang de­legasyon, positibo pa rin ang naging pananaw ng ko­ponang nasa ilalim ng Phi­lippine Amateur Baseball Association (PABA) at tinulungan ni Marty Eiz­mendi upang magkaro­on ng pagkakataon na ma­kabawi sa kabiguang na­lasap noong 2007 sa Thailand.

Hari ang Pilipinas sa ba­seball noong 2005 sa ban­sa pero naisuko ang ti­tulo nang lumipat sa Thailand ang bakbakan habang wa­lang baseball na idinaos sa 2009 sa Laos.

Nang nakatungtong sa Palembang, Indonesia, ipinamalas ng mga national clouters ang bangis ng ka­nilang paglalaro at una ni­lang pinataob ay ang nag­de­depensang kampeon na Thailand sa 9-2 iskor.

Hindi na nagpaawat pa ang koponan at isinunod ang Vietnam, 10-0, Malay­sia 10-0 bago huling pinataob sa eliminasyon ang host Indonesia, 4-0.

Sa Finals ay kinaharap ng Pilipinas ang host Indo­nesia na nagbuhos ng pe­ra sa kanilang koponan nang magsanay sila sa iba’t-ibang bansa para sa SEAG.

Walang epekto ito sa hu­say ng mamamalo ng ko­ponan at pitcher na si Dar­win dela Calzada nang iuwi ng Pilipinas ang dikitang 2-0 panalo at kampeo­nato uli sa SEAG.

Ang softball teams din ay nakapagdomina sa ka­nilang mga katunggali at ang Blu Girls ay hindi natalo sa anim na laro tampok ang 6-0 tagumpay sa Thailand sa Finals.

Mas masalimuot naman ang dinaanan ng Blu Boys, ang nagdedepensang kampeon na gaya ng baseball team ay muntik hin­di nakasama kungdi pi­non­dohan ni ASAPhil president Jean Henri Lhuillier.

Nasorpresa ang men’s team ng host Indonesia sa unang labanan, 2-4, pero itinaas ang antas ng pagla­la­ro ng Blu Boys sa sumunod na katunggali tungo sa 11-1 panalo sa Singapore at 9-0 tagumpay sa Malaysia at makaabante sa Page System.

Lalo nang bumangis ang laro ng koponan at bi­nawian nila ang Indon team, 2-1, para makaaban­te na agad sa Finals.

Nanaig ang host team sa Singapore, 9-2, para ika­sa ang tagisan laban sa Pilipinas sa kampeonato ngunit hindi pa rin natapatan ng Indonesia ang husay ng national players tungo sa 7-3 tagumpay.

Hindi pa batid ang ma­giging kahihinatnan ng ba­seball at softball teams sa 2012 lalo pa’t magbabago ng direksyon ang suporta mula sa Philippine Sports Commission.

Pero anuman ang ma­ging desisyon, naipakita at pinatunayan ng mga na­banggit na koponan na sa South East Asia ay hindi pa rin sila padadaig sa mga ka­tunggali. 

AMATEUR BASEBALL ASSOCIATION

BLU BOYS

BLU GIRLS

JEAN HENRI LHUILLIER

MARTY EIZ

PAGE SYSTEM

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with