^

PSN Palaro

NSAs tumugon sa panawagan ni Lopez para sa London Olympics

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Naghahanda na ang mga sports officials ng bansa na magpadala ng pi­nakamaliit na bilang ng manlalaro sa 2012 London Olympics.

Pitong buwan na lamang bago buksan ang aksyon sa pinakaprestihiyosong torneo sa mundo pero hanggang ngayon ay dalawa pa lamang ang nakapasok para sa Pilipinas.

Sina women’s long jumper Marestella Torres at boxer Mark Anthony Bar­riga ang mga opisyal na lahok ng bansa matapos maabot ang qualifying marks.

Hindi naman bababa sa limang atleta ang mai­sasali ng Pilipinas sa kompetis­yon dahil puwede pang magpasok ang athletics ng isang mandatory athlete sa kalalakihan habang ang swimming ay binibigyan din ng isang male at female swimmer kung walang ma­kaabot sa qualifying standards.

Posible pang madagdag si weightlifter Heidilyn Diaz ngunit kailangan niyang mapanatili ang num­ber seven ranking sa kompetisyon sa Korea.

Si Handball secretary-general at dating pangulo ng Amateur Boxing Association of the Philip­pines (ABAP) Manny Lopez ang siyang tatayong Chief of Mission at nananawagan siya sa mga Natio­nal Sports Associations (NSAs) na gamitin ang ka­nilang impluwensya sa kanilang international fede­rations para madagdagan ang mga manlalarong Pinoy gamit ang ibinigay nilang wild card.

Isa nga sa kumikilos ay ang taekwondo na hindi nakapasok ang manlalaro sa London sa dalawang Olympic qualifying events na ginawa sa taong ito.

Ang Olympics ay iti­nakda mula Hulyo 27 hanggang Agosto12 at ang Pilipinas ay magbabaka-sakaling mapanalunan na ang mailap na gintong medalya.

Mula pa noong 1924 ay kasali na ang Pilipinas sa Olympics pero ang pinakataas na medalyang napanalunan pa lamang ay dalawang pilak na hatid ng mga boksingerong sina Anthony Villanueva at Mansueto “Onyok” Vel­asco no­ong 1964 Tokyo at 1996 Atlanta edisyon.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIP

ANG OLYMPICS

ANTHONY VILLANUEVA

CHIEF OF MISSION

HEIDILYN DIAZ

LONDON OLYMPICS

MANNY LOPEZ

MARESTELLA TORRES

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with