^

PSN Palaro

Pinoy batters lalahok sa World Baseball Classic

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nilagdaan na ng Philippine Amateur Ba­seball Association (PABA) ang dokumentong magbibigay karapatan sa Pilipi­nas na makasali sa pinalawig na World Baseball Classic sa susunod na taon.

Ipinadala ng pamunuan ng magpapa­laro ang dokumento kay PABA president Hector Navasero at matapos basahin ang nilalaman ay agad na pinirmahan at ibinalik sa pinagmulan ng dokumento dahil sa kahalagahan ng paglalaro ng national players sa nasabing torneo.

“Malaki ang maitutulong ng World Ba­seball Classic para magpatuloy ang interes ng kabataan sa sport lalo’t ngayon ay hindi na kabilang ang baseball sa Olympics,” wika ni Navasero.

Ang PABA ang pinadalhan ng imbitas­yon dahil nakasaad sa alituntunin ng WBC na tanging ang pederasyon ng isang bansa ang dapat nilang kausapin para sa pagbubuo ng koponan.

Mula sa dating 16 bansa, ang kompetisyon ay pinalawig sa 28 teams at ang 12 koponang naglaro sa nagdaang edisyon ay seeded na sa main tournament.

Ang ibang bansa na isinama ay da­daan sa mga qualifying tournament para madetermina ang apat pang isasama sa naunang 12 koponan.

Inorganisa ng Major League Baseball at International Baseball Federation, li­bre ang gastusin sa paglahok ng mga ko­ponan pero ang organizers dahil sila ang bahala sa plane fare, uniforms at allowances ng mga manlalarong sasabak sa qualifying at sa main event.

Ito na ang ikatlong edisyon ng World Baseball Classic at ang hari sa naunang dalawang edisyon ay ang Japan.

HECTOR NAVASERO

INORGANISA

INTERNATIONAL BASEBALL FEDERATION

IPINADALA

MAJOR LEAGUE BASEBALL

PHILIPPINE AMATEUR BA

SHY

WORLD BA

WORLD BASEBALL CLASSIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with