^

PSN Palaro

GM Gonzales tiwala sa FEU chessers

-

MANILA, Philippines - Magandang suporta mula sa pamunuan ng FEU ang nagbibigay kum­piyansa kay Grandmaster Jayson Gonzales na mapagtatagumpayan nila ang asam na ikaanim na su­nod na titulo sa men’s division sa UAAP chess.

Sa Enero 14 bubuksan ang aksyon sa chess sa lugar ng Tamaraws, FEU Mini Theather, at gagawin ng home team ang lahat upang hindi maagaw ang titulong hawak sa huling limang taon.

“I’m happy that the school is very supportive of the team, especially those who came over from the provinces not only to study but to help FEU win the titles. We take pride in it and I hope we continue to do well in the coming years,” wika ni Gonzales na siyang head coach ng FEU men’s team.

Kung magkakam­peon uli, matatablahan ng Ta­ms ang La Salle sa pa­ramihan ng men’s title sa anim na nangyari mula 19­­99-2000 hanggang 2004-05.

Ang FEU Baby Tamaraws ay makakatuwang ng men’s team sa pagbibigay ng karangalan sa kanilang paaralan sa pagpuntirya sa ikalawang sunod na ju­niors title.

Si Jerad Docena na MVP at Rookie of the Year ng Baby Tams ang babandera sa kanilang koponan habang si Sheider Nebado ang sa Tamaraws.

Ang aksyon ay aabot sa 14 rounds at kung sino ang may pinakamalaking puntos na nakuha ang siyang hihiranging kampeon ng liga.

Sa kabilang banda, ang La Salle women’s team ay magbabalak na kunin ang ikalawang sunod na kampeonato sa kanilang dibisyon.

Mangunguna sa Lady Archers si Jodilyn Fronda na hinirang na MVP at Rookie of the Year noong nakaraang taon nang igiya ang koponan sa 45 puntos.

BABY TAMARAWS

BABY TAMS

GRANDMASTER JAYSON GONZALES

JODILYN FRONDA

LA SALLE

LADY ARCHERS

MINI THEATHER

ROOKIE OF THE YEAR

SA ENERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with