^

PSN Palaro

Mayweather mananatili sa porma kahit nakakulong

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Ang tatlong buwan na pagkakakulong ay hindi makakaapekto sa kondisyon at porma ni Floyd Mayweather, Jr.

 Ito ang paniniwala ng kanyang uncle/trainer na si Jeff Mayweather kaugnay sa 90 araw na sentensya sa American five-division champion mula sa isinampang domestic violence case ng kanyang dating live-in partner noong Setyembre ng 2010.

 “It’s only three months, not three years,” wika ni Jeff sa panayam ng FightHype.com kahapon. “Floyd fights like once a year, so three months from the ring certainly won’t have any effect on his skills.”

Itinutulak sana ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang pagtatakda sa mega-fight nina Manny Pacquiao at Mayweather sa Mayo ng 2012.

Ngunit ayon sa mga boxing experts, malaki ang hahabulin ni Mayweather, magiging 35-anyos sa Pebrero ng 2012, sa training camp para makabalik sa pamatay niyang kondisyon at porma dahilan sa kanyang pagkakakulong.

Ito rin ang pahayag ng ama ni Mayweather na si Floyd, Sr. “I’ve been in jail before, so I know how it affected me. Whether he (Floyd Jr.) says so or not, it will affect him in some way,” ani Floyd Sr. “Lil Floyd is a strong person, and hopefully it won’t affect him much.”

 Sisimulan ni Mayweather ang kan­yang sentensya sa Clark County jail sa Enero 6, 2012 at inaasahang maka­ka­labas sa Abril.

Kung magpapakita ng ma­gandang pag-uugali at ka­sipagan sa loob ng CDCC, puwedeng mabawa­san ng 30 araw ang sentensya ni Mayweather at posibleng makalabas siya sa Marso ng 2012.

BOB ARUM

CLARK COUNTY

FLOYD

FLOYD JR.

FLOYD MAYWEATHER

FLOYD SR.

JEFF MAYWEATHER

LIL FLOYD

MAYWEATHER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with