^

PSN Palaro

Heat tinulungan ni Cole sa panalo laban sa Celtics

-

MIAMI--Tumuntong si Norris Cole sa foul line sa hu­ling 9.3 segundo kasabay ng pagtawag ng mga fans sa kanya ng “M-V-P”.

Hindi ito eksena sa Cleveland State kung saan siya ang superstar.

Sa kanyang ikalawang laro sa NBA kasama sina Le­Bron James, Dwyane Wade at Chris Bosh, humugot si Cole ng 14 sa kanyang 20 points sa fourth quarter, kasama rito ang tatlong mahahalagang jumpers, para tulungan ang Miami Heat sa 115-107 panalo laban sa Boston Celtics.

“You grow up and live for moments like that,” wika ni Cole.

Umiskor si James ng 26 points, habang may 24 si Wade bukod pa ang 8 assists at 4 blocks at may 18 mar­kers si Bosh para sa Heat, nagtala ng isang 20-point lead sa third quarter bago nakadikit ang Celtics sa 3 points.

Ang mga jumpers ni Cole ay nagmula sa mga pasa ni James na naglayong muli sa Miami laban sa Boston.

“He’s got savvy,” pagpuri ni Celtics coach Doc Rivers kay Cole. “Great pickup.”

Nagposte si Ray Allen ng 28 points para sa Celtics, samantalang may 22 si Rajon Rondo maliban pa ang 12 assists at nag-ambag naman si Keyon Dooling ng 18 markers mula sa bench.

Mula sa 24 turnovers ng Celtics, ginawa itong 33 points ng Heat.

 “Any team you turn the ball over that much they’re going to score on you,” sabi ni Allen. “We just have to settle in on both ends of the floor. Whether you score or not, they’re going to run down your throats.”

 Sa iba pang laro, tinalo ng Atlanta Hawks ang New Jersey Nets, 106-70; giniba ng Milwaukee Bucks ang Minnesota Timberwolves, 98-95; at pinayukod ng Portland Trail Blazers ang Sacramento Kings, 101-79.

ATLANTA HAWKS

BOSTON CELTICS

BRON JAMES

CHRIS BOSH

CLEVELAND STATE

DOC RIVERS

DWYANE WADE

KEYON DOOLING

MIAMI HEAT

MILWAUKEE BUCKS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with