Caloocan High host sa 2 chess tourney

MANILA, Philippines - Magdaraos ang Caloocan High School Batch 83 ng kambal na chess tournament sa Huwebes kabilang ang Showdown of the Prodigies at Battle of Champions sa SM City Novaliches Activity Center.

Ang ‘Showdown’ ay bukas para sa lahat ng kabataan edad 12 pababa na ang mananalo ay tatanggap ng P5,000 at dagdag na P10,000 halaga ng scholarship mula sa STI Novaliches, ayon kay Sonsea Agonoy, pangulo ng organizing Novaliches Novelty Chess Club.

Kasalukuyan ng gina­ganap ang patalaan sa NNCC headquarters sa Francisco Arcade, Damong Maliit, Brgy. Nagkakaisang Nayon, Novaliches, QC. Ibinaba ang tournament fee sa P200.

Samantala, tampok naman sa Battle of Champions ang top finishers sa NNCC’s weekly tournaments na suportado nina Carmelito Mejia, CEO ng CVM Investments, Inc. Rancho Cordova, California, US, Marilou Roxas ng Canada, Alice Allison, Francisco Aquilos, Esmeralda Panelo Caratiquet, Jocelyn Cruz, Gina Estanislao, Angelina Lenny Cutcheon Gutierrez, at Al Jimene.

Para sa iba pang detalye makipag-ugnayan kina Ricky Martin sa 0919-6298973, Sonsea Agonoy sa 0905-2481733 o kay Juancho Caunte sa 0923-6542806.

Show comments