MANILA, Philippines - Binigyan ng imbitasyon si Filipino Grand Master Wesley So para makapag-aral sa Texas Tech at makapaglaro sa chess team nito.
Si Hungarian GM Susan Polgar ang siyang nagpaabot ng imbitasyon sa 18-anyos na si So upang makapag-aral at maging kabahagi ng Knight Raiders na hinirang bilang national champion matapos pagharian ang 2011 President’s Cup noong Abril.
Sa Texas Tech matatagpuan ang itinatag niyang Susan Polgar Institute for Chess Excellence (SPICE) na nagbibigay pagkakataon sa mga chess players mula sa iba’t ibang bansa na makapag-aral at makapaglaro ng kanilang paboritong sport.