^

PSN Palaro

Hiling sa 2012

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña -

Ilang araw na lamang titiklop na ang 2011, at magsisimula ang panibagong taon na 2012.

Napakaraming makukulay, malungkot at masa­yang pangyayari sa sports sa 2011.

Siguradong napakarami ng mga sports columnist, reporters at editors ang nagsusulat ng kanilang listahan para sa kanilang mga hiling na mangyari sa 2012 para sa sports.

At siyempre, sasali tayo dito. Kaya narito ang ating listahan ng mga hiling natin para sa 2012.

Philippine Basketball Association (PBA)--umangat pang lalo ang gate receipts kasama na ang pagbabalik ng popularidad nito.

PBA Commissioner Salud--Mas marami pang maisip na inobasyon upang mas maging exciting ang laro sa PBA.

Philippine Sports Commission (PSC)--Pag­re­­rebisa at pag-develop pa ng mas kompetitibong pro­g­rama para sa sports. Hanggang ngayon ay wala pa ring masasabing ‘matinong’ programa ang PSC. Ang nakikita lamang natin ay ang pinagtagpi-tagping programa na walang ngipin, sa madaling salita, ampaw.

PSC Chairman Richie Garcia--Lakas ng loob kung saan man mapunta. Napakalaking balita kasi nga­yon na nais siyang palitan ni President Benigno Aquino III dahil sa napakasamang ipinakita ng mga atleta sa nakaraang Sotheast Asian Games sa Indonesia.

Philippine Olympic Committee-- Pagkakaroon ng malinaw na pananaw sa kanilang mandato. Na kahit pa may awtonomiya ang POC ay may pananagutan pa rin ito sa performance ng mga athletes.

POC president Peping Cojuangco – Malinaw na isip upang maipakita na ang liderato ng POC ay walang pinapanigan kung hindi ang pagpapalakas ng sports.

Go Teng Kok--Iwas muna sa kontrobersya upang mapagtuunan ng pansin ang gawain sa PATAFA.

Philippine Azkal--Isang tunay na kampeonato upang maipakita na hindi lamang sila magandang la­laki, kung hindi tunay ding kampeon.

Cong. Manny Pacquiao--Tunay na laban kay Floyd Mayweather Jr. Hindi sa salitaan lamang.

Philippine Dragon Boat team--Marami pang me­dalya. Kahit na inaapi ay hindi sumusuko.

Nikki Coseteng at Mark Joseph – Pagkakasundo upang tumino naman ang swimming association. Sa­yang ang inilalaan na pondo sa swimming dahil nauuwi lamang ito sa wala. Nasisira ang morale ng swimmers dahil sa patutsadahan nila.

Philippine athletes--Mas magandang performan­ce sa lahat ng local at internasyunal na kompetisyon. Manatili sana sa inyong isip na kayo ay bayani ng Pi­lipinas.

Ito ang ating munting listahan ng hiling para sa 2012.

Pagkatapos ng taong 2012, tingnan natin kung may natupad dito.

CHAIRMAN RICHIE GARCIA

COMMISSIONER SALUD

DRAGON BOAT

FLOYD MAYWEATHER JR.

GO TENG KOK

MARK JOSEPH

NIKKI COSETENG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with