NCAA tumulong sa Hospicio de San Jose
MANILA, Philippines - Namigay ng mga bigas, canned goods at mga regalo ang pamunuan ng 87th NCAA upang mapasaya ang mga kapus-palad na mga kababayan sa Hospicio de San Jose.
Isinusog ang proyektong ito ng MANCOM sa pangugnuna ni chairman Dr. Ramon Cercado ng host University of Perpetual Help System Dalta para makatulong sa mga bata at pamilya na hindi nagkakaroon ng sapat na kalinga upang maitustos sa pag-aaral at iba pang pangangailangan.
Nakasama ni Dr. Cercaro si CSB representative Hendy Atatdem Kenneth Cariaso ng Emilio Aguinaldo College, Hector Callanta ng Lyceum of the Philippines at Peter Cayco ng Arellano University.
Si Cayco kasama ang kanyang may bahay na si Grace ang siyang nagtulak sa Mancom na bumisita sa nasabing mga lugar na kanilang pinuntahan.
Nais na NCAA na pinakamatandang liga sa bansa na pangunahan ang pagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan para maging kanilang inspirasyon upang maipagpatuloy ang mga pangarap.
“We came here to give back something to you but in fact, you were the ones who gave us more. As we leave, we will carry with us your cheerful faces and the inspiration that you have given us for this day,” wika ng speech ni Henry Atayde ng College of St. Benilde.
- Latest
- Trending