^

PSN Palaro

Kaso ni Floyd 'di na magiging hadlang sa laban nila ni Manny

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Maaari nang ngumiti si Bob Arum ng Top Rank Promotions laban sa Golden Boy Promotions na nagsabing hindi matutuloy ang pinaplanong mega-fight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa 2012.

Ito ay dahilan sa napi­pintong pagtanggap ni Mayweather ng plea bargain para makaiwas sa isang felony conviction mula sa isinampang domestic violence case ng kanyang da­ting asawang si Josie Harris noong Setyembre 2010.

Sinabi ni Clark County (Nev.) District Attorney David Roger sa Los Angeles Times na papatawan lamang si Mayweather ng one count ng battery domestic violence at two counts ng harassment at lahat ng misdemeanors.

Magbabayad rin si Mayweather ng multang $3,000 at jail sentence mula dalawang araw hanggang 18 buwan.

Ang naturang kaso ni Mayweather ang naunang sinabi ni Arum na magpapatagal sa pinaplantsang upakan nila ni Pacquiao.

“I have no idea what’s going to happen. We’ll see tomorrow. So let’s wait until tomorrow,” sabi ni Arum.

Kasalukuyang hawak ni Pacquiao ang 54-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, habang taglay ni Mayweather ang 42-0-0 (26 KOs) card,

Isang 45,000-seat ve­nue sa Las Vegas Strip na malapit sa Wynn at Venetian properties ang pinaplano ng 80-anyos na si Arum sakaling maitakda ang super bout ng 33-anyos na si Pacquiao at ng 34-anyos na si Mayweather sa 2012.

Ayon pa kay Arum, maaaring maitakda ang naturang laban sa Hunyo at hindi sa Mayo 5, 2012 kagaya ng gusto ng kampo ni Mayweather.

“That’s Cinco de Mayo and too early,” wika ni Arum sa Mayo 5.  

BOB ARUM

CLARK COUNTY

DISTRICT ATTORNEY DAVID ROGER

FLOYD MAYWEATHER

GOLDEN BOY PROMOTIONS

JOSIE HARRIS

LAS VEGAS STRIP

LOS ANGELES TIMES

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with