^

PSN Palaro

Juico 'di tututol sa pagsasanib ng mga siklista kung...

-

MANILA, Philippines - Hindi tutol si Philip Ella Juico kung ma­ulit ang sistemang ipinairal sa 26th SEA Games sa mga planong paglahok ng Pambansang siklita sa malalaking kompetisyon sa labas ng bansa sa 2012.

Matatandaan na nagkaroon ng pool ng siklista na hinawakan ng POC para sa SEA Games sa Indonesia dahil patuloy ang pagkakaroon ng dalawang grupo sa cycling ng bansa.

Si Juico ay pangulo ng ICFP habang si Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino ang pinuno ng PhilCycling at siyang ki­nikilala ng international federation UCI.

Sa naunang MOA, pinahintulutan ni Tolentino ang lahat ng siklista na magka­roon ng UCI licenses at hindi naman na­sayang ito dahil nanalo ang Pilipinas ng da­lawang ginto na hatid nina Alfie Catalan (4-km Individual Pursuit) at John Mier (40-km points race).

Sina Catalan at Mier ay parehong nasa pangangalaga ng grupo ni Juico.

“I think we have to formulate again a Me­morandum of Agreement to ensure our cyclists will be able to see action in international cycling tournaments next year,” wika ni Juico na dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).

Inaasahang kikilos naman ang POC sa problema sa liderato matapos ang Ka­­paskuhan.

vuukle comment

ALFIE CATALAN

INDIVIDUAL PURSUIT

JOHN MIER

JUICO

PHILIP ELLA JUICO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SHY

SI JUICO

SINA CATALAN

TAGAYTAY CITY MAYOR ABRAHAM TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with