^

PSN Palaro

Teachers Camp ipapaayos na ng POC

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Isaayos ang mga na­ka­tayong pasilidad sa pa­­lakasan upang may ma­ga­mit na mapagsasa­nayan ang Pambansang atleta.

Ito ang pagtutuunan nga­yon ng pansin ng Phi­lippine Olympic Committee (POC).

Una na ngang ku­kum­pu­nihin ay ang Teachers Camp sa Baguio City dahil sa nasabing Siyudad pinakamagandang magsa­nay dala ng high altitude.

Ang pagsasaayos ng pasilidad ay kinakailangan dahil ang planong pagpapagawa ng makabagong training center ay hindi agad na mangyayari dahil na rin sa kakulangan ng pondong gagamitin para rito.

Sa Clark Field balak ita­yo ang makabagong sports facilities at nakipag-ugnayan na si POC President Jose Cojuangco sa administrator ng dating US Air Base na si Atty. Felipe Remollo.

“Kailangang-kailangan na natin ang training center dahil dito natin masusubay­bayan nang husto ang pag­sasanay ng mga atleta. Kahit ang pagkain nila ay matututukan kung sa isang lugar lamang silang lahat na nagsasanay,” wika ni Cojuangco.       

Nabanggit na ng POC head ang bagay na ito kay Pangulong Benigno Aqui­no III at hiningi na ng Pangulo ang plano para magawa ito.

Pero kung kailan ito sisi­mulan ay hindi pa matiyak lalo nga’t nais ng Aquino administration na ma­ka­pagtipid.

Ang pasilidad sa Baguio City ay nagagamit pa at ang mga atleta sa athletics at boxing ay dito nagsasanay.

Maliban sa pagsasa­ayos sa mga pasilidad, balak ding dagdagan ang pagsasanayan upang ma­sama na rito ang mga manlalaro sa shooting, ar­chery at mga combat sport na judo, taekwondo at karatedo.

Sa ngayon ay ang Rizal Memorial Sports Complex ang siyang pangunahing pinagsasanayan ng mga atleta pero ayaw na ni Cojuangco sa nasabing lugar dahil sa sobrang polusyon.

AIR BASE

BAGUIO CITY

COJUANGCO

FELIPE REMOLLO

OLYMPIC COMMITTEE

PANGULONG BENIGNO AQUI

PRESIDENT JOSE COJUANGCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with