Russian IM magdaraos ng chess clinic

MANILA, Philippines - Isang espesyal na serye ng Milo-sponsored Checkmate chess clinics ang idaraos ni Russian IM Nikolay Andrianov sa Eton Cyberpod Corinthian Bldg. sa Ortigas, EDSA.

Personal nang nahawakan ni Andrianov, isa sa mga itinuturing na best trainers sa mundo, sina GM Wesley So, GM John Paul Gomez, GM Julio Catalino Sadorra, WIM Arianne Caoilli at US-based FM Paolo del Mundo.

Ang first batch ng chess clinic ay sa Dis­yembre 21-23 at ang second batch ay sa Disyembre 26-28.

Ang mga leksyon sa training games ay sa ganap na alas-10:30 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Para sa detalye, tumawag sa Metropolitan Chess Club sa 826-8560 at sa 0935-370-8808 o 0922-822-6319.

Show comments