^

PSN Palaro

Cash incentives ng mga atleta ibibigay na bukas

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tulad ng kanilang ipina­ngako, tatanggapin ng mga national athletes na nanalo ng medalya sa 26th SEA Ga­mes ang kanilang in­sen­tibo mula sa pamahala­an bago ang pagsapit ng Pasko.

Sa Miyerkules (Dis 21) sa badminton hall sa ganap na alas-2 ng hapon gagawin ang incentive-giving sa mga nanalong atleta na naghatid sa Pilipinas ng 36 ginto, 56 pilak at 78 bronze medals.

Ang kabuuang medal­yang naibigay ng atleta ay magka­kahalaga ng P12.090,000 milyon at ang perang ito ay manggagaling sa pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAG­COR)

 Si PSC chairman Ricardo Garcia ang mangunguna sa hanay ng ahensya ng pa­mahalaan na nanganga­siwa sa palakasan ng bansa habang ang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) na si Jose “Pe­ping” Cojuangco ang ina­asahang makakasama sa seremonya.

Inimbitahan din si Pa­ngu­long Benigno Aquino III ngunit malaki ang posibi­lidad na hindi makakadalo ang Pangulo dala ng mahig­pit niyang iskedyul.

Base sa itinakda ng RA 9064 o Incentives Act, ang bawat individual gold me­dal ay nagkakahalaga ng P100,000 habang P50,000 at P10,000 naman ang ma­pupunta sa mga silver at bronze medalist.

Ang mga team sports na may lima o mahigit na atleta ay tatanggap naman ng doble ng halagang ibinibigay sa mga individual events na kanilang paghahati-hatian.

“Nais talaga ng PSC na maibigay ang insentibo ba­go sumapit ang Pasko para may magamit din ang mga atleta para sa kanilang sarili matapos bigyan ng ka­ra­­­ngalan ang bansa sa SEA Games,” wika ni Garcia.

Si lady cue-artist Irish Ranola ang tatanggap ng pinakamalaking insentibo na P200,000 matapos ma­nalo ng dalawang ginto sa 8-ball at 9-ball event ng biliard competition.

Siya lamang ang luma­bas bilang natatanging dou­ble gold medalist ng Pil­ipinas sa nasabing kompe­tisyon pero ang isa pang nagka­roon ng makinang na laro ay si Marestella Torres na binasag ang sariling SEA Ga­mes at Philippine record na 6.68 meters nang makalundag sa 6.71 meters.

Hindi pa naman tiyak kung may karagdagang in­sentibo mula sa PSC ang tatanggapin ni Torres sa kanyang naabot.

Ang mga bibigyan ay mga atleta pa lamang at isusunod naman ang gantim­pala ng mga coaches ng mga nanalong atleta.

BENIGNO AQUINO

INCENTIVES ACT

IRISH RANOLA

MARESTELLA TORRES

PASKO

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RICARDO GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with