Lionesses, Lady Stags lumapit sa semis
MANILA, Philippines - Nangibabaw ang San Beda at San Sebastian sa kanilang mga nakalaban upang mapalakas ang paghahabol sa semifinals ng NCAA women’s volleyball kahapon sa Letran Gym.
Kinailangan ng Lionesses ang limang sets, 25-23, 24-26, 24-26, 25-19, 15-8, para talunin ang Arellano Lady Chiefs habang sa mas madaling 25-20, 25-10, 25-22, nanalo ang Lady Stags sa Jose Rizal University Lady Bombers.
Ang mga panalong ito ay nag-angat sa San Beda at nagdedepensang San Sebastian sa 4-2 karta upang magkasalo sa ikatlong puwesto.
Pinuri ni San Beda coach Ryan Jeorge Sucaldito ang nakitang determinasyon sa kanyang manlalaro kaya’t tumitibay ang paniniwalang may ilalaban sila kung titulo ang pag-uusapan.
Nalaglag ang JRU sa 1-5 habang 3-3 karta naman ang nangyari sa Arellano. Nakaabante naman ang Chiefs sa semifinals nang manalo sa Red Lions, 25-20, 16-25, 24-26, 25-18, 15-10, sa laro sa kalalakihan.
“Gusto kong makita na naka-focus sila sa laro. Nagsisipag sila masaya at nagtutulungan sa loob bukod sa may communication. Kaya magandang pamasko itong panalo na ito sa amin,” ani Sucaldito.
Nalaglag ang JRU sa 1-5 habang 3-3 karta naman ang nangyari sa Arellano sa mga naganap na kabiguan.
Nakaabante naman ang Chiefs sa semifinals nang manalo sa Red Lions, 25-20, 16-25, 24-26, 25-18, 15-10, sa laro sa kalalakihan.
- Latest
- Trending