^

PSN Palaro

American riders angat sa Lanao leg

-

MANILA, Philippines - Inangkin nina American rider Tiger Lacey at Dennis Stapleton ang una at ikalawang puwesto sa International Pro sa huling yugto ng Enersel Forte Philippine National Motocross Series noong Disyembre 10 at 11 sa Lanao Del Norte.

 Pumangatlo si Bornok Mangosong kasunod sina American Nathan Tieney, Glenn Aguilar, minsan nang nakilalang Asian Rider of the Year, at si Golden Wheel awardee Donark Yuzon.

Ang unang Asian Motocross champion na si Aguilar, nanguna sa serye mula pa noong unang yugto, ang siya pa ring nagdomina sa Pro Open.

Sinundan siya ni Yuzon at Mangosong sa ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakasunod.

Ang acoustic heartthrob na si Sam Milby ang bumandera sa Celebrity category kasunod nina Jordan at Mikael Banaag.

Ang trainer naman ni Manny Pacquiao na si Buboy Fernandez ang pumang apat.

Nagtapos din si Milby bilang pang siyam sa Beginner Open Prod.

Mahigpit din ang labanan nina Kimboy Pineda, Yuzon at Ted Conde sa Expert category, habang nangunang muIi si Pia Gabriel sa Ladies category kung saan panga­lawa at pangatlo sina Baby Dimaporo at Rivica Pepito.

vuukle comment

AMERICAN NATHAN TIENEY

ASIAN MOTOCROSS

ASIAN RIDER OF THE YEAR

BABY DIMAPORO

BEGINNER OPEN PROD

BORNOK MANGOSONG

BUBOY FERNANDEZ

DENNIS STAPLETON

DONARK YUZON

ENERSEL FORTE PHILIPPINE NATIONAL MOTOCROSS SERIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with