^

PSN Palaro

Phl Patriots, SMBeer sasabak na sa pre-season ng ABL

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Magkakaroon din ng pagkakataon ang Philippine Patriots na masilip ang lakas ng mga kalaban sa 3rd ASEAN Baskeball League dahil anim na ko­po­nan ang magtatagisan sa pre-season event na ‘To Be No. 1 Basketball Chal­lenge’ sa Bangkok, Thailand.

Maliban sa Patriots at ikalawang expansion team sa bansa na San Miguel Beer, kasali rin ang Bangkok Cobras bukod pa sa Saigon Heat, Singapore Slingers at Indonesia Warriors.

Ang anim na koponan ay hinati sa dalawang grupo at ang mangungunang koponan sa magkabilang dibisyon ang aabante sa Finals sa Linggo.

Hahawakan ng bagong coach na si Glenn Capacio, ang Patriots ay dumating kahapon sa Bangkok para sa unang laro kontra sa Sai­gon Heat.

“Kulang pa sa jelling ang team dahil ilang linggo pa lamang silang nabuo ka­ya maganda ang tournament na ito para sa team buil­ding,” wika ni Capacio.

Ang mga sasandalan niyang manlalaro ay sina Aldrech Ramos, Al Vergara, Reed Juntilla, Jonathan Fernandez, Erick Rodriguez, Ardy Larong, Warren Ybañez, Eddie Laure, Rob Wainwright, Marcy Arellano, Eder Saldua at Angel Raymundo. Ang mga imports ay sina Anthony Johnson at Nakiea Miller.

Sunod na kalaban ng koponang pag-aari nina Mikee Romero ng Harbour Centre at Tony Boy Co­juang­co ay ang Cobras ha­bang ang nasa kabilang dibisyon ay ang SMBeermen, Slingers at Warriors na dating kilala bilang Satria Muda BritAma.

vuukle comment

AL VERGARA

ALDRECH RAMOS

ANGEL RAYMUNDO

ANTHONY JOHNSON

ARDY LARONG

BANGKOK COBRAS

BASKEBALL LEAGUE

BASKETBALL CHAL

EDDIE LAURE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with