MANILA, Philippines - Nagsampa ang Philippine Sports Commission (PSC) ng kaso sa Office of the Ombudsman laban kay dating chairman Harry Angping kaugnay sa paglabag sa Republic Act 30-19 (Anti-Graft and Corrupt Practices) matapos magdagdag ng 80 janitors sa kanyang termino noong 2009.
“Mr. Angping entered into a contract hiring an additional eighty janitorial personnel to manage and maintain PSC’s eight facilities,” ani PSC chief Richie Garcia kahapon. “He also entered into the said Addendum to the Contract of Service without authorization from the PSC therein. There was also no public bidding conducted for the same.”
Pinabulaanan naman ni Angping ang naturang alegasyon ni Garcia, iniluklok sa PSC bilang kapalit niya noong Hulyo ng 2010.
Ayon kay Angping, gusto lamang pagtakpan ni Garcia ang palpak nilang gold medal projection sa nakaraang 26th Southeast Asian Games sa Indonesia kung saan tumapos ang bansa na may kabuuang 36 gold, 56 silver at 77 bronze medals para maging sixth-placer sa overall standings.
“This is pure harassment or is this a cover up to the Southeast Asian Games debacle,” sagot ni Angping. “I’m not that careless to get into such contract without going through the legal process of the proper procedure.”
Si Angping ay naging kritiko ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. na nagrekomenda kay Garcia sa Malacañang bilang PSC chairman.