Perpetual humataw sa NCAA volleyball
MANILA, Philippines - Pinayukod ng University of Perpetual System Dalta ang Emilio Aguinaldo College, 25-10, 25-16, 25-15, para makasalo ang Arellano University sa liderato sa 87th NCAA volleyball competitions sa Letran Gym.
Ito ang pang apat na sunod na panalo ng Altas katabla ang Chiefs sa itaas.
Nalasap naman ng Generals ang kanilang ikaapat na dikit na kamalasan.
Sa women’s division, nagtala rin ng panalo ng Lady Altas nang gibain ang Lady Generals, 28-26, 25-17, 16-25, 22-25, 15-12, para sa kanilang 5-0 baraha.
Nakalapit ang Altas at Lady Altas sa isang tiket sa Final Four.
"So far, so good," sabi ni league president at policy board chairman Anthony Tamayo ng host Perpetual.
Natalo naman ang Altalettes sa Brigadiers, 25-23, 18-25, 17-25, 22-25, para sa 1-1 baraha nito.
- Latest
- Trending


















