Gin Kings inihulog ang Tropang Texters sa No. 2

MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang pang limang sunod na arangkada ang Barangay Gi­nebra nang gimbalin ang nag­dedepensang Talk ‘N Text, 96-82, sa pagsasara ng elimination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart-Ara­ne­ta Coliseum.

Itinaas ng Ginebra ang ka­nilang baraha sa 9-5 ka­tab­la ang Petron Blaze at Rain or Shine sa ilalim ng B-Meg (10-4) at Talk ‘N Text (10-4) kasunod ang Meralco (8-6), Barako Bull (6-8), Po­werade (6-8) at mga tal­sik nang Alaska (3-11) at Sho­pinas.com (0-14).

Ang No. 1 at No. 2 teams ang may 'twi­ce-to-beat' advantage sa quar­ter­finals laban sa No. 7 at No. 8 squads, ayon sa pag­­kakasunod.

Ang Llamados ang No. 1 team kalaban ang No. 8 Tigers at No. 2 ang Tropang Tex­ters kontra No. 7 Energy.

Sa isang best-of-three quarterfinals series naman magtatagpo ang No. 3 Petron Blaze laban sa No. 6 Meralco at ang No.4 Ginebra kontra sa No. 5 Rain or Shine.

Sa unang laro, tinalo ng Elasto Painters ang Aces, 91-85.

Ginebra 96 - Caguioa 18, Cortez 17, Intal 15, Villanueva 15, Wilson W. 14, Mamaril 8, Labagala 4, Canaleta 3, Tubid 2, Maliksi 0, Cervantes 0, Wilson J. 0.

Talk ‘N Text 82 - Castro 14, Dillinger 12, Williams 12, Carey 12, Fonacier 10, Aguilar 7, Reyes 5, Raymundo 4, Gamalinda 4, Alvarez 2, Weinstein 0, De Ocampo 0.

Quarterscores: 23-20; 41-45; 64-65; 96-82.

Show comments