^

PSN Palaro

Peping nakahanda sa anumang hamon sa liderato ng POC

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Higit sa paghubog ng mga mahuhusay na atleta, isang malaking hamon na hinaharap ng Philippine Olympic Committee (POC) ay mula sa ibang sektor na nagnanais umano na sirain ang sports ng bansa.

Sa kanyang pananalita sa POC General Assembly noong Sabado sa Wack Wack Golf and Country Club, sinegundahan niya ang panawagan ni IOC re­presentative sa Pilipinas Frank Elizalde na magtulung-tulong ang lahat ng NSAs dahil isang malakas na grupo ang sumisilip ng butas upang sila ay sirain.

“We are being challenged,” pagdidiin ni Cojuangco sa kanyang pana­nalita.

Hindi niya pinangalanan ang mga taong nasa likod ng panggugulo ngunit tiyak na isa sa mga tinutu­koy niya ay si dating Senadora Nikki Coseteng na makailang ulit nang binibira ang POC dahil sa umano’y kapalpakan ng liderato na nagresulta upang bumagsak ang Pilipinas sa lara­ngan ng palakasan.

Nanggaling ang Pilipinas sa pagkakalagpak sa ikaanim na puwesto sa 26th SEA Games na kung saan ang inilabang 520 atleta ay nanalo lamang ng 36 ginto o kapos ng dalawa para pantayan ang 38 na napagwagian ng bansa sa Laos at tumapos ang delegasyon sa panlima.

Ang POC ay nagha­handa sa kanilang elek­syon sa 2012.

COJUANGCO

GENERAL ASSEMBLY

HIGIT

NANGGALING

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PILIPINAS

PILIPINAS FRANK ELIZALDE

SABADO

SENADORA NIKKI COSETENG

WACK WACK GOLF AND COUNTRY CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with