^

PSN Palaro

Local bets makikipagsabayan sa Kenyan, Ethiopian runners

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Nakatakdang pag-­aga­­wan ng mga bigating long distance runners ang korona at ang premyong P300,000 sa 35th National MILO Marathon Finals nga­yong umaga sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Inaasahang makakalaban ng mga local bets ang mga Ethiopian at Kenyans.

Idedepensa ni 3-time National MILO Marathon titlist Eduardo Buenavista, nabigong manalo ng gin­tong medalya sa naka­raang 26th Southeast Asian Games sa Indonesia bunga ng dehydration, ang kanyang korona.

Ang 33-anyos na si Buenavista ng Sto. Niño, South Cotabato ay ang ka­salukuyang record holder ng MILO Marathon mula sa kanyang bilis na 2:18:53.

Makakasabayan ni Buenavista si Ethiopian run­ner at first time Milo Marathon participant Mikael Tesfaye, nagsumite ng pinakamabilis na tiyem­pong 1:09:31 sa 21-km eli­mination leg sa Cebu City.

Si two-time National MILO Marathon Queen Jho-Ann Banayag ang record holder sa women’s division sa kanyang 2:48:06 oras na itinala niya sa 2006 National Milo Marathon Finals.

Itataya ni Flordiliza Do­nos ang kanyang titulo laban kay Banayag at kay Ethiopian Genet Agtew, nagrehistro ng 1:24:12 sa 21-k qualifying leg sa Cebu.

Si Kenyan James Talla­m ang nanguna sa men’s 42-km Manila qualifying leg noong Hulyo sa kanyang oras na 2:28:40, habang si Banayag ay nagtala ng 2:53:35 sa women’s class.

BANAYAG

BUENAVISTA

CEBU CITY

EDUARDO BUENAVISTA

ETHIOPIAN GENET AGTEW

FLORDILIZA DO

MALL OF ASIA

MARATHON FINALS

MARATHON QUEEN JHO-ANN BANAYAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with