^

PSN Palaro

Antonio nagpasaklolo sa PSC

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ni Grandmaster Joey Antonio sa Philippine Sports Commission (PSC) na isantabi ang naunang desisyon ng Philspada na alisin siya b­ilang head coach ng chess team na maglalaro sa ASEAN Para Games sa Solo, Indonesia mula Dis­yembre 11 hanggang 22.

Dumulog si Antonio sa tanggapan ni PSC chairman Ricardo Garcia matapos sabihan siya kahapon lamang ni Philspada secreta­ry general Carlos Weber Jr. na siya ay inalis sa talaan at pinalitan ni Nanie Apostol.

Kinukuwestiyon ni Antonio ang hakbang na ito dahil wala man lamang siyang na­kuha na paliwanag mula kay Weber kung bakit bigla silang gumawa ng ganitong desisyon.

“Hindi man lamang nila pinaliwanag kung bakit nila ako tinatanggal sa team ga­yong ako ang pumili ng mga manlalaro isang linggo matapos akong nakabalik mula sa paglahok sa 26th SEA Games,” wika ni Antonio.

Ang chess master ay si­yang head coach ng chess team sa ASEAN Para Ga­mes mula pa noong 2005 at ang delegasyon ay naka­paghatid na ng 41 gintong medalya.

Kinuwestiyon din niya ang kredensyal ni Apostol na aniya ay walang alam kung larong chess ang pag-uusapan.

“I believe I deserve it more than Ms. Nanie Apostol to head our blind and wheelchaired chess players because she knows no­thing about the rudiments in chess,” banat pa ni Antonio.

Inihayag naman ni Gar­cia na masusi niyang sisipatin ang pangyayari at kung mapatunayan na mali ang aksyon na ginawa ng Philspada ay aalisan nila ang chess team ng suporta sa paglahok sa Para Games.

CARLOS WEBER JR.

CHESS

GRANDMASTER JOEY ANTONIO

MS. NANIE APOSTOL

NANIE APOSTOL

PARA GA

PARA GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILSPADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with