Viloria pinaghandaan si Segura
MANILA, Philippines - Halos tatlong buwan ang ginawang pag-eensayo ni Fil-American Brian Viloria para paghandaan ang kanyang title defense laban kay Mexican-American challenger Giovani Segura sa Disyembre 11 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ayon kay Viloria, handang-handa na siyang labanan si Segura.
"I've been working hard every day, trying to get ready for Segura," sabi ng 30-anyos na si Viloria laban sa 29-anyos na si Segura na dati niyang naging sparring partner. "It’s going to be a tough fight. I know that."
Itataya ni Viloria, dating World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) light flyweight titlist, ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) flyweight crown kontra kay Segura.
Bitbit ni Viloria, sumayaw sa Party Pilipinas sa GMA-7 noong Linggo, ang kanyang 29-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 16 KOs, habang dala ni Segura ang 28-1-1 (24 KOs).
Nakuha ni Viloria ang WBO flyweight belt matapos talunin si Julio Cesar Miranda via unanimous decision noong Hulyo.
Kasalukuyang nasa No. 3 si Viloria sa listahan ng The Ring flyweight division, samantalang No. 9 naman si Segura.
- Latest
- Trending